| earl_johnm ( @ 2007-11-01 19:29:00 |
| Entry tags: | thoughts |
Isang Paggunita sa Undas
Dinalaw ng aming pamilya ang puntod ng aking lolo sa Manila South Cemetery. Sa kalagitnaan ng aming pagpunta, napansin ko na tila marami pa rin sa ating mga kababayan ay hindi ginugunita sa wastong paraan ang araw na ito. Hindi ba dapat araw ito ng panalangin at pag-alala sa mga mahal natin sa buhay na namayapa na? Subalit marami pa rin ang tila, lihis o baluktot ang paraan ng paggunita ng mahalagang araw na ito.
Sana'y isipin natin kung ano talaga ang ginugunita sa araw na ito. Nawa'y kapiling na ng ating Panginoon ang lahat ng mga namayapang naging bahagi ng ating buhay.